Sa Aking Piling
Malinaw pa sa aking isipan ang araw na nalaman ko ang katotohanan. Umuulan ng malakas noon. Galit na galit ang hangin. Malalaki ang mga patak ng ulan. Walang nakaka-alam na nagheartfall naglandfall na ang bagyo sa puso ko.
Paghupa ng galit na galit na panahon, bakas na bakas paligid ang iniwang pinsala ng bagyo. Habang abala ang lahat sa paglilinis, nakita ko na ang taong gusto kong makasama habang buhay. Masaya ako tuwing makikita ko siya, nagkamabutihan kami at ang sabi niya ay gusto raw niya ako at mahalaga ako sa kanya kaya't hindi siya makakapayag na maagaw pa ako ng iba, pero hindi ko man lang nilinaw na iba pala ang 'mahalaga' sa 'mahal'. Masyado akong umasa. Dumating ang araw na hindi siya nagpakita o nagparamdam ma lang. Iniwan niya ako matapos niya akong sabihan ng magagandang salita, matapos niya akong paasahin. Lagi kasing puso ang pinapairal ko, lagi tuloy akong nasasaktan.
Akala ko tapos na ang lahat sa amin pero 'di nagtagal, bumalik ang mahal ko. Hindi ko na tinanong kung ano ang nangyari o kung saan siya nagpunta. Para sa aki'y tinupad niya ang pangako niya, magsasama na kami ng habang buhay. Sabi ng aking ina, tadhana ko raw talaga siguro ang makapiling siya. Bukal sa loob niya ang aming pagsasama. Ito raw ay ang aming tadhana gaya ng sa kapatid ko. Masaya akong umalis kasama niya na walang sama ng loob mula sa aking ina kahit ako'y nahiwalay na sa kanyang piling.
Pero nagtaka ako kung bakit madami kaming isinasama niya. Buong akala ko'y ako lang. Parang kanina lang ay ako ang pinakamaganda sa kayang panignin, 'yun pala marami pa siyang tinitingnan. Ako ba ang kerida? o sila? o ano ba ang balak niya sa amin? baka ibubugaw niya kami? Pero bakit hindi ko nagawang magalit man lang sa kanya? dahil ba ito sa sobrang pagmamahal? Pero bakit parang wala akong nararamdaman? Naiwan ko yata ang puso ko. Gusto kong bumalik sa aking ina pero nakakulong na ako sa kanyang sasakyan. Hindi makagalaw, hindi makasigaw, nawalan ng malay.
Noong magkamalay ako, nasa malayong lugar na kami. Nagulat ako, nasa tabing kalsada na lamang ako. Maya-maya, magtatanghalian na ang mga trabahador sa ginagawang building sa tapat. Bibili ng kanin, ulam, at panghimagas. Ako yung huli. Napalayo na sa puso. Malamig at wala nang pakiramdam. Tanaw ko pa ang maraming piling ng saging, mga kapwa ko saging na maya-maya'y gagawin na rin saging con yelo. Huhubaran, kakagatin, at lulunukin. Nagmahal, nasaktan, ginawang saging con yelo. Kinse lang.
Comments
Post a Comment