Isip ng Isip ng Isip
Global warming, Typhoons, Floods, Earthquakes, Tsunami. Ilang lang yan sa mga sakunang nagaganap sa mundo ngayon. Maraming nagsasabi na simula na daw ito ng pagkagunaw ng mundo. May mga nagsasabi din na binabawasan na daw ang sobrang laking populasyon. Yung iba naman, nagsasabi na GG!, 'Fire in a hole!', 'Sinong Character mo?', 'Nakakaiyak naman yung bagong labas na pelikula ngayon.'
Ang gulo anu? hmm...Ano ba talaga ang nasa isip ng mga tao ngayon? Ang hirap intindihin. Kung sa bagay, kanya-kanya naman tayo ng pag-iisip. Pero, kung iisipin nating mabuti, nakaka-inis mag-isip ang mga tao. Nagsasaya sa hindi dapat kasiyahan, naiyak sa hindi dapat iyakan, natatakot sa hindi dapat katakutan. Hindi ko masabi kung yon talaga ang nature ng mga tao, ang maging mali sa mga bagay-bagay.(Siguro ang pagsabi ko rin nyan ay isang kamalian din)
Natutunan ko sa Theology class ko, hindi daw tamang sabihin na "Sorry, Tao lang." sa tuwing magkakamali ka dahil hindi ginawa ang tao para gumawa ng mali.(NOTE: ang pagkakamaling tinutukoy ko ay yung malalaking kasalanan, hindi maliliit na pagkakamali katulad ng mga typo ko sa blog ko) Oo, hindi tayo perpekto, pero ang paggawa ng tama ay hindi nangangailangan ng pagiging perpekto. Hindi ka magkakamali kung ginagamit mong mabuti ang isip mo at kung kasama mo si God sa bawat hakbang mo. Sa madaling salita, hindi nature ng tao ang gumawa ng kasalanan.
Alam naman nating lahat na ang pag-iisip ay magiging madali kung kalmado ka sa kahit anong sitwasyon. Sa kalagayan natin ngayon, ang sinasabing pagkagunaw ng mundo na kinakatakutan ng marami ay hindi naman talaga dapat katakutan, subukan mong isiping mabuti, lahat tayo as in lahat ay kasama ng mundo sa pagkagunaw nito. Natatakot kang mamatay, bakit? Mas pipiliin mo bang mabuhay kung ikaw na lang mag-isa ang matitira?
Ang gulo ng sinulat kong 'to anu? Kung saan-saan na napadpad, napaisip ka ba? Naisip mo kayang ang left frontal lobe ng aking utak ang tumulong sa akin para magawa ang sulating ito at ang iba pang mababasa mo sa blog na 'to?
Isip ng isip ng isip at baka sa bandang huli ay malaman mo na kung ano ang dapat mas pagtuunan ng oras sa pag-iisip. :)
We should give ourselves a chance to maximize our ability to think. :)
Comments
Post a Comment