Kras (Engineering Fact #301)

Ako si Juan Lloyd, electronics engineering student, matangkad, maputi, may mga mata na tila nangungusap, may malalaking kamay, may buhok na kasing itim ng gabing puno ng butuin, at may puso…

Ika-limang taon ko nang nag-aaral sa kolehiyo. Graduating na ako ngayon at napakadami ko nang pinagdaanan. Sobrang tinatamad na akong mag-aral, buti nga at nakaka-survive pa ako sa mga subject ko. Tuwing may exam, para akong sasabak sa gera na walang dalang kahit anong sandata. Haaay please…sana graduation na bukas.

Sa totoo lang, hindi ko alam ang papatunguhan ng buhay ko pagkagraduate ko. Ano nga bang trabaho ang pwede kong pasukin? Saan ako magtatrabaho? Marami naman akong natutunan pero hindi ko alam kung paano gagamitin sa trabaho. Gusto ko nang grumaduate pero hindi pa ako handang magtrabaho. Minsan talaga, parang gusto mo na pero hindi pa pala…parang pag-ibig.

“Okay, class, mag-assume kayo ng value ng X para makuha nyo ang ang value ng Y.” Math class nanaman. Nakaka-antok. Nakaka-lusaw ng utak. Kala ko tapos na ang lahat ng math subjects ko nung 2nd year ako, hindi pa pala, nalimutan ko, engineering nga pala ako.

Pero kahit abala sa mga pag-aaral, hindi naman maiiwasan ang magkaron ng crush. Sila yung magiging inspiration mo at motivation para pumasok ng maaga sa klase, mag-aral mabuti at magpakitang gilas. Minsan, sila talaga yung dahilan kung bakit tayo pumapasa sa mga subject natin. Halos lahat yata ng subject ko, pumasa ako dahil sa mga crush ko.  Bawat subject may crush ako, (joke!) pero isa lang talaga sa kanila yung super crush ko. Pakiramdam ko kasi, crush din nya ako…pakiramdam ko, may pag-asa ako sa kanya…siguro dahil crush ko siya.

Sa lahat ng crush ko, siya lang yung lagi kong nakakasama, nakaka-usap. “Uy, may lab. report ka na?”, “May exam ba tayo bukas? Anong dapat aralin?”, “Pakopya naman ako ng  assignment.” Lagi siyang nahingi ng tulong sa akin at lagi ko siyang tinutulungan. Napakasaya ko kapag akong ang nilalapitan niya. Hindi naman ako naghihintay ng kahit anong kapalit sa mga tulong na binibigay ko sa kanya, kasi crush ko siya.

Magtext o magreply lang siya sa papamsin kong Group Message, napakasaya ko na. (Kunwaring group message, pero sa kanya lang talaga sinend) Crush ko kasi eh.


Yung tipong lilibutin ko ang buong campus makita ko lang siya. Lakad ng lakad. Akyat-baba sa hagdan. Sa Gym, sa lahat ng building sa school. Hindi nakakapagod. Crush ko nga kasi.


Kahit sa facebook. Yung mag-iisip ka ng status na paniguradong ili-like ng crush mo. Ganun ako. Crush ko eh, bakit ba?

Tapos kahit balat ng candy na bigay niya hindi mo itatapon at itatago mo pa sa wallet mo.

Pero ang totoo, kahit masaya ako sa tuwing makikita ko sya at magkakausap kami, hindi ko talaga alam ang totoong nararamdaman niya.
Gusto ko siya, oo. Gusto niya ako, hindi ko alam.

Ang hirap pala nun ano? Gusto mo pero hindi mo alam kung gusto ka. Hindi applicable sa akin yung “Bakit hindi ka crush ng crush mo” kasi hindi ko naman talaga alam kung crush din niya ako o hindi. Mas mahirap pala yung di mo alam…nakakaparanoid…overthinking at its best! -_- Napakasaya ko pero lahat ng yon, imahinasyon ko lang. Nag-aassume lang ako. Ang Math kasi eh! -_-

Bakit ko ng aba sinisisi ang math? Ako naman yung nakaramdam. Dapat pala hindi ako nag-aasume. Para hindi masakit kung malaman kong hindi naman talaga niya ako gusto.

Sa dami ng pinagdaanan ko sa engineering, ito ang isa sa pinaka-importanteng natutunan ko: numbers lang ang dapat inaassume, hindi feelings.


Comments

Popular Posts