3 to 4AM



Mag-isa lang akong natutulog sa kwarto ko. May isang malaking kama. May aparador na may salamin na kapag humiga ka sa kama at tumingin ka sa right side mo, kita mo yung salamin.

Nasanay na akong matulog mag-isa. Hindi na ako natatakot hindi katulad nang dati, siguro dahil malaki na talaga ako. Masayang matulog mag-isa rito. Madaming unan. Malamig. Presko. Until there were these strange nights tuwing natutulog ako, parang kakaiba. Nung una, hindi ko naman pinapansin, pero lagi akong nagigising tuwing 3AM. Hindi naman exactly 3AM, but range between 3 to 4AM. Many times. And consecutive nights. Medyo napapaisip ako kasi baka katulad 'yun nung sa exorcism movies. Nung almost a week na na ganun, hindi ko na tinitingnan ang oras, but every time na nagigising ako, nagsi-sign of the cross ako. I don't know, but that was the first thing na naiisip ko tuwing nagigising ako, ang mag-sign of the cross.

After a few days, hindi ko na talaga naiisip, then one time, bigla akong nagising ulit, ramdam ko na may kumuhit sa akin. Dalawang magkasunod na kuhit. Ramdam na ramdam ko. Natakot ako pagkamulat ko, pero tumungin pa rin ako sa paligid ko. Hindi ko alam kung madilim lang o malabo lang ang mata ko pero pagtingin ko sa kanan, may nakita ako sa salamin na parang puting ilaw o puting tela. Hindi ko pinansin. Pumikit ako, nagdasal, natulog.

Nakita ko ang isa sa kanila. Parang isa lamang siyang simpleng tao na kagaya natin...unti-unti siyang nagbago...naging isang nakakakilabot na halimaw. Sa kabila ng tindi ng aking takot, hinarap ko pa rin siya, "Ano ba ang kailangan mo?!" sigaw ko sa kanya.

Nakakapanindig balahibo ang kanyang sagot, "IKAW...", sabay turo ng kanyang daliri sa akin.

Bigla akong napamulat sa aking mahimbing na pagkakatulog. Panaginip. Ilang gabi rin akong balisa. Paulit-ulit na dinadalaw ng mga hindi ko maintindihang panaginip. Ang tanging alam ko lang, nakakatakot... nakakatakot. May mga boses na tila naninindak. May mga nilalang na hindi pangkaraniwan...mga nakakatakot na nilalang. Hindi naman nila ako sinasaktan sa panaginip. Para bang gusto lang nila akong isama o kunin. Ewan. Hindi ko maintindihan. Sa tuwing magigisig ako, parang lumiliit at sumisikip ang aking malaking kama...parang marami akong katabi sa dilim. Hindi na lamang mga unan. Hindi ko maintindihan kung ano...kung sino...

Ilang linggo na rin ang nakalipas mula nang isulat ko 'to. Hindi na nila ako dinadalaw...hindi na ako dinadalaw ng mga hindi maipaliwanag na panaginip...ng mga nakakatakot na nilalang. Ang tanging natatandaan ko lang sa aking huling panaginip, sabi sa akin ng mga kakaibang nilalang, sila'y hindi kathang isip at sila'y hindi na lamang isang panaginip...isulat ko raw ang karanasan kong ito...at ang taong babasa nito, siya ang susunod nilang gigisingin.

Comments

Popular Posts