Isang Pangarap na Lumilipak!
Pangarap kong lumipad. Balang-araw, lilipad din ako. Alam ko.
Isa akong munting uod. Darating ang araw, magkakapakpak ako at lilipad ng mataas. May magaganda at makukulay na pakpak. Hindi ko na mahintay ang araw na yon. Excited na ako!
Ipagmamalaki ko ang kagandahan ko. Lilipad ako ng mataas. Sobrang taas. Aabutin ko ang ulap. Sasabay ako sa mga ibon na nagliliparan sa himpapawid at iinggitin ko sila sa aking malalaki at makukulay na pakpak.
Makakasama ko rin ang paru-parong aking mahal. Ang maganda niyang mga mata, ang makisig niyang tindig, at mahahawakan ko na rin ang makukulay niyang pakpak. Hintayin mo ako, darating ako.
Naiimagine ko na ang sarili ko. Konti na lang. Konti na lang.
Pero sa ngayon, matutulog muna ako ng matagal, at paggising ko may mga pakpak na ako. Napakasaya ko.
...eto na...
Nararamdaman ko na ang pagtubo ng aking mga pakpak...ang aking mga kamay...sa wakas, dumating na ang hinihintay ko. Matutupad na ang mga pangarap ko...paru-parong aking mahal...pagmasdan mo ang pagtubo ng aking mga pakpak.
Ngunit bakit hindi kasing ganda ng sa iba ang aking pakpak? Ahh hayaan ko na, ang mahalaga, nagagawa ko nang lumipad...napakasaya ko! Ito na ako aking mahal, lumilipad papalapit sa'yo...salubungin mo ako at sabay tayong lili...PAK!
"Ang lamok naman dito sa classroom, tara lipat tayo sa kabila."
Comments
Post a Comment