Dreamer's Dream

This morning I dreamt that I am one of the Phineas and Ferb's charaters. Lahat kami superhero at magkakasama kaming nalipad, may mga cool costume, pero hindi ko alam kung saan kami pupunta. Bumaba kami sa parang basketball court na parang lumang warehouse, yung parang sa typical Filipino action movies na dalahan ng mga nakikidnap, ganun ang itsura. Nung una, naglaro lang kami dun, sinubukan kong tumalon ng mataas kasi nga may powers ako, at wow! Ang cooooooooool. :)

Maya-maya, nalaman ko na kaya pala kami naandun ay para sa isang gera. Hindi ko sure kung gera nga, basta labanan. Sumigaw si Candice, "Enemiiiiiiieeesss!!!!" Nagulat ako. Paglingon ko sa may gate, ayan na nga sila, mga armadong parang robot na may malalaking baril. Coool pero nakakatakot.

Parang may biglang nagbulong sa akin, "pagtinamaan ka ng isang bala, hindi ka pa patay, pero magpatay-patayan ka". Nakakapagtaka kung sino ang nagbulong sa akin nyan. 


Pumasok ako sa isang bahay, maliit lang yung bahay at parang tagpi-tagping yero lang yung ding-ding. Doon, may isang babae at isang lalaki. Nakain sila at nagtatawanan na parang walang paki-alam sa nangyayaring barilan sa labas. Napatingin lang sila sa akin at nagpatuloy sa pagkain. Sa loob nakita ko rin si Commander, yung boss ni Perry. haha madami siyang sinasabi pero di ko maintindihan, pagkatapos nun umalis na rin sya.

Habang nasa loob ako, biglang pumasok ang isang kalaban. Nagtago ako sa likod ng kurtinang kulay dilaw. Grabe, super kabado ako. Ano ba ito, katapusan ko na ba?

Hindi ko alam kung paano papaganahin ang powers ko. Nanlalamig at naninigas ang buong katawan ko. Natatakot ako. Bigla nya akong binaril! Tinamaan ako sa tagiliran ko. Ramdam ko ang sakit at ang pag-baon ng bala sa katawan ko pero walang dugo na lumabas. Tulad ng sinabi nung nagbulong sa akin, magpatay-patayan daw ako para hindi na ako ulit barilin dahil kapag binaril ako ulit, katapusan ko na.

Umalis na yung kalaban at ako, patuloy pa rin sa pag-acting na patay na ako. Nag-aantay ako na dumating si Phineas o si Ferb  para tulungan ako, pero mukhang pati sila ay nabaril na rin o kaya'y abala sa pakikipaglaban sa labas.

Sa panaginip kong yon, habang nakahiga ako at hawak-hawak ang parte ng katawan ko kung saan nabaril ako, ipinikit ko ang aking mga mata...at kasabay ng pagpikit ko sa aking panaginip ay ang pagmulat ko naman sa totoong mundo. 

Ang panaginip na ito ay super coooooool. haha


Comments

Popular Posts