Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!

:( Ang daming problema. Ang hindi ko lang maintindihan eh kung bakit ko pa pinoproblema ang problema ng iba, siguro dahil alam kong mahirap ang mamroblema kaya hindi ko mapigilan na hindi sila tulungan lalo na ang mga kaibigan ko.

Anyways, minsan pakiramdam ko naman napakasama kong tao, yung dami kong ginagawa na nakakapagpasama ng tingin sa akin ng ibang tao, pero yun ang alam kong dapat gawin, yun ang alam kong makakabuti sa karamihan. (Kung alam mo ang kwento ni Itachi sa Naruto at ni Snape at  Harry, parang ganun ang kwento ko.)  Iniisip ko na lang, masama man ako sa tingin ng ibang tao, alam naman ng Diyos ang dahilan ko kung bakit ko ginagawa ang mga ganung bagay.

Life is toooooooooo short and too important to spend it in sin. Kaya ngayon, mas magiging matulungin na lang ako sa kapwa at mas iisipin ang kapakanan nila kesa sa sarili ko. Magiging masaya naman ako, at alam kong magiging masaya rin sila.

Kung pwede lang utusan ang utak na wag mag-isip ng mga problema.tsk

Gusto kong sabihin sa mga tao na malungkot ako...pero di ko magawa, ayoko kasing alalahanin pa ako. :(

waaaaaaahh..napakagulo ng sinulat kong ito...basta marami pa akong nasa isip...tsaka ko na ikukwento.

Comments

Popular Posts