Ang Magkaibigan na Si Juan at Pedro.

Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!! Gusto ko lang sumigaw para mabawasan ang bigat ng problema. -sabi ng isang kaibigan.

Nung isang araw, nilapitan ako ng kaibigan ko na itago na lang natin sa pangalang John, nagkwento sya sa akin ng isang problema tungkol sa kaibigan nyang itago na rin natin sa pangalang Peter. Si Peter ay kaibigan na talagang malapit sa kanya, yung parang kapatid na ang turing nila sa isa't isa kahit na dalawang taon pa lang silang magkakilala. Kaibigang kasama sa lahat ng bagay, sabihan ng problema, kakwentuhan at katawanan, kaibigang maasahan.

Isang araw, may nalaman si John tungkol kay Peter. May ginawa si Peter na talagang nasaktan si John. Pero sa kabila ng lahat ng yon, nanatiling kalmado at tahimik si John hanggang sa nagpasya na lang syang hindi na lang muna kausapin at lapitan si Peter. Hindi aware si Peter na nasaktan si John sa ginawa nya kung kaya't nagtaka na lang ito kung bakit lumayo ito sa kanya. Lumipas ang mga araw, linggo, at buwan, hindi pa rin sila nagkaka-ayos kahit kinausap na sila ng iba nilang mga kaibigan. Pero sabi sa akin ni John, mahirap daw magpanggap na walang paki-alam sa mga nangyayari, hindi nya magawang hindi isipin gabi-gabi ang problemang yon.

Kinausap si John ng isa nilang kaibigan. "Nagbago na si Peter, ibang-iba na sya." sabi nung kaibigan nya. "Bakit?" ang tanging nasambit lang ni John.

Dumating ang mga araw na sa tuwing dadating si John at lalapit sa mga kaibigan nya ay biglang tatahimik si Peter at aalis. Nakita ni John na sobrang laki na ng pinagbago ni Peter. Minsan, narinig ni John ang pag-uusap ni Peter at isa pa nyang kaibigan, "Bakit ka ba ganyan?" tanong nung kaibigan nila. "Hindi ko lang talaga makayang makita o marinig na nagtatawanan kayo kasama si John." sabi naman ni Peter. Ayon kay John, nung narinig nya yon eh nalungkot talaga sya. Miski naman siguro ako eh ganun din ang mararamdaman ko kung sa akin nangyari yon. Di naman alam ni John kung bakit nasabi ni Peter ang mga yon. Bakit di makaya ni Peter na maging masaya si John? Parang ang sakit na marinig sa isang kaibigan na tunuring mo pang isang kapatid. Ang hirap isipin na may iasng taong ayaw kang maging masaya. :(

Sabi ni John, nag-alala rin sya sa nangyari kay Peter kaya kinausap nya ito. "Bakit ka nagkagayan? Nagulat ako nung nakita kitang nagsisigarilyo, naalala ko dati ayaw na ayaw natin magyosi at kahit sa amoy nito, ngayon lahat na ng inayawan natin dati ay nasayo na lahat ngayon." sabi ni John. "Wala ng Pride pero nagbago ako nung umalis ka." sabi ni Peter. Dahil sa sinabing yon ni Peter, nakunsensya si John sa mga nangyari at sa mga ginawa nya, naisip daw nya na naging dahilan pa sya sa pagkasira ng buhay ng iba.

Marami ng apektado sa mga nangyaayri sa kanila, kaya ginawa na ni John ang lahat para magkaayos sila, siya na ang nakipag-ayos at nagparaya para wala na syang marinig at wala ng masabi ang iba.

Sa ngayon, ayos na sila, pero di pa rin katulad ng dati na magkasama sa lahat ng kalokohan. Sabi sa akin ni John mabuti na rin daw yung ganito, maraming natuwa at natahimik sa pagkaka-ayos nila. Kahit hanggang ngayon ay iniisip pa rin nya yung mga sinabi ni Peter na di nya kayang makitang masaya si John kasama ang iba nilang kaibigan. Parang may mabigat pa rin na nakadagan sa kanya araw-araw sa tuwing magkikita sila at ramdam din naman nyang napilitan lang si Peter dahil sa kakulitan niya. Pero ayos lang daw yun kay John, sanay na naman daw sya at kaya na nyang tiisin yon. Ang totoo, hindi naman daw talaga sya galit kay Peter, may mga bagay lang talagang mahirap ng ibalik sa dati kapag nasira na, tulad ng tiwala. (Ang sabi ko mahirap ibalik..hindi ko sinabing hindi na pwedeng ibalik.) Ang mahalaga na lang para sa kay John ay maayos na ang lahat. :)

John, kung sakaling mabasa mo ito, masaya ako para sa'yo dahil mas pinili mong intindihin ang nararamdaman ng iba. Bilib ako sa'yo! Ipagdarasal na lang kita at sana hindi ka magkasakit sa ginagawa mong pagkikimkim ng mga problema mo..naandito lang ako, handang makinig sa'yo.:)

Para naman kay Peter, hmm malalaki na tayo..haha alam mo na ang tama at ang mali. :) ingat!

Naiiyak na ako sa kwento nilang magkaibigan..hmm Anyway, kwento ako ng kwento, di nyo pa ako kilala. haha ako nga pala si John Lloyd. haha Sige po... Ingat! :)



Comments

  1. Parehas tayo. Bawat statement na nakasulat bumabaon. Nakatuwa na hindi ako nag-iisa.. in a sense na hindi lang pala ako yung nagpaparaya palagi at laging umiintindi sa bestfriend na pinagkatiwalaan mo pero paulit-ulit lang sinisira yung tiwala mo dahil sa mga mabababaw na bagay. Gusto ko ng magpatawad. Ayoko na din. Kahit ayos na.. hindi pa siya maalis alis sa isipan ko.. sa kadahilanang ilang beses akong nagpatawad at muling nagtiwala. Ako yung tao na kahit ilang beses mong lokohin o saktan ok lang pero pag SOBRA na kusa ng nagbabago para sarili kahit na matagal pa bago ko marealize na hindi na talaga tama.


    hindi mo aakalain na kung sino pa ang pinagkakatiwalaan mo ng lubos, yun pa ang mananakit sayo ng sobra.


    Kahit na anong buti at intinding gawin mo para sa ibang tao, hindi pa rin kasiguraduhan na magiging tapat at mabuti rin silang kaibigan sayo.

    Saka nila sasabihin na nagbago ka na. LAgi akong namimis-understood ng karamihan kahit na kabutihan lang naman ang gusto ko. Kailangan ko pang dumaan sa masimuot na panlalait ng iba, pag-iisip ng masama sakin at sa bandang huli malalaman nilang sila ang may mali.



    Kaya ngayon, hindi ko na alam kung totoo pa ba sila o siya, kung mapagkakatiwalaan na ba o hindi na talaga magbabago ang ugali.

    Ayoko ng masaktan uli, dahil kapag nagbigay ako ng buong tiwala asahan mo daig pa sa bf ang turing ko sayo mapababae ka man o lalake.


    (1st time lang na nagpost ng ganito at nagshare. pagbigay niyo na po, please.. XD)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts