My Birthday! :)

Birthday? Ano yon? hehe joke!
Sa maniwala ka man o sa hinde, ngayon ang birthday ko. Hindi lang halata pero ngayon talaga, promise! haha :)

Ngayon, 1_ years old na ako, masaya dahil nakalampas nanaman ako sa isa pang taon na ibinigay sa akin ng Diyos para mabuhay. Ngayong kaarawan ko, wala akong wish na kahit ano kay God. Para sa akin sapat na ang mga blessing na natatanggap ko araw-araw. Kaya ngayong araw na ito, hindi ko kukulitin si God sa pagsabi sa kanya aking ng mga kahilingan, ang tanging ibubulong ko sa kanya ay ang mga pasasalamat sa mga biyayang ibinigay niya sa akin sa loob ng maraming taon. At siyempre, pati na rin ang paghinngi ng tawad sa mga nagawa kong kasalanan.

Naalala ko dati, napakaraming bumabati sa akin maski na hindi ko kilala, binabati ako. Ngayon. iilan na lang dahil itinago ko ang petsa kung kelan ako ipinanganak sa lahat ng social networking account ko. Gusto kong makita kung sino ang makaka-alala ng birthday ko kahit hindi iremind ng facebook o kung ano mang reminder ang meron sila. Kakaunti man ang bumati sa akin, mas naappreciate ko ang greetings na yon dahil hindi nila nakalimutan ang isa sa pinaka mahalagang araw para sa akin. At sa lahat ng bumati sa akin, salamat...salamat ng madami sa inyo. :) Pero alam mo, birthday is not about the greetings of other people, it's all about us, it's all about how we manage ourselves to survive, to love, to be loved, to help others, and to give thanks for another year of life. But of course, I have come to realize that knowing who your true friends are has more to do with the trust you share with each other than knowing when their birthdays exactly are. Do your part in trusting, instead of doubting them.

Kahit matatapos na ang araw na ito na parang wala lang, parang ordinaryong araw lang, masaya pa rin ako. Yung katagang "Hindi na ako bata" ay nararamdaman ko na sa sarili ko, at kailangan kong tanggapin na ang panahon ng pagkabata para sa akin ay tapos na. Lahat ay nagbabago, at para sa akin, ang pagtanggap sa mga pagbabago, maganda man ito o hindi, ay ang nagiging dahilan ng tunay na kasiyahan.

Ngayon, kailangan kong magsaya at ipagpatuloy ang ngiti sa aking mga labi dahil meron nanaman akong isang taon na pagharap sa hamon ng buhay. Kaya ngiti lang at hayaan mo silang magtaka kung bakit ka masaya. So let's celebrate! And Let's Smile! :)


PS.
Salamat sa Nanay at Tatay ko at sa mga Kapamilya ko para sa isang masayang hapunan. :)

Comments

Popular Posts