Enjoy the summer!

Summer ngayon, sobra ang init. Wala akong summer class kung kaya't eto ako, nakatulala, pinagmamasdan ang paggalaw ng mga ulap sa payapang kalangitan, sumasabay sa pag-ihip ng mainit na simoy ng hangin, at nag-iisip kung ano ang pwedeng pagka-abalahan ngayon.

Ang hirap pala ng ganitong sitwasyon, yung gustong gusto mong may gawin pero wala ka naman magawa. Gusto kong magpakabusy habang ang iba ay abala na sa pagpapaypay sa kanilang mga sarili dahil sa mainit na panahon, gusto kong kumita ng pera dahil alam kong ito lang ang pagkakataon sa ngayon, gusto kong maging makabuluhan ang summer para sa akin. Sa lugar kasi namin na malayo sa kabihasnan at mukhang napag-iwanan na ng panahon(totoo naman) eh wala kang mapapasukan na trabaho. Ayoko naman lumayo pa sa ibang lugar para magtrabaho dahil baka kulang pa ang sweldo ko sa pamasahe ko.

Gusto ko mang pumunta sa mga summer places dito sa Pilipinas eh wala akong magawa, kaya eto ako ngayon, nakatunganga sa harap ng kompyuter. walang magawa kundi magkwento ng mga walang kakwenta-kwentang bagay sa blog na 'to. hmmm Let's enjoy the summer na lang. ingat! :D

Comments

Popular Posts