Tayo na Kaibigan!


Buhay kolehiyo, yan ang pinakamahirap na parte ng buhay ng tao kung nag-aaral ka pa. Pero sa tingin ko, nasasabi lang yan ng marami dahil yan ang kasalukuyang nagaganap sa kanilang buhay.

Isang umaga. Kuhanan ng card sa school. Maaga akong nagpunta don para malaman ang grades ko sa nakaraang semester. Masaya akong makita ang grades ko na hindi naman gaanong mataas pero pasado lahat, naramdaman ko yung bunga ng paghihirap ko sa pag-aaral noon para makapasa sa madudugong exams, makasagot sa walang humpay na recitation ng mga professor ko, sa pagpapasa ng mga requirements, paglalakwatsa kasama ang mga kaibigan, at pagpupuyat sa harap ng computer.

Sobrang saya ko talaga nung malaman kong wala akong bagsak. Kala ko masaya na ako buong araw, pero hindi pala. Sa mga kaibigan ko, meron hindi pinalad. Apektado ako, totoo. Gusto ko mang magsaya nung araw na yon, hindi ko magawa, hindi ko kaya. Gusto ko man silang tulungan, wala naman akong magawa. Ang tanging naibigay ko lang sa kanila noong araw na yon ay ang oras ko, ang pakikisimpatya ko sa kanila. Hindi ko maiwasan na hindi sila isipin at kung paano ko matutulungan ang lahat ng kaibigan kong nangangailangan.

Mahirap, pero ganito ako eh, hindi ko magawang maging masaya kahit lahat ay nasa akin na kung ang mga kaibigan ko naman ay may problema at malungkot. Para bang ramdam ko sila, ang lungkot at pangambang nararamdaman nila. Sabi nung isa kong kaibigan "Kung yung ngang kaibigan mong may problema, nakakatulog ng mahimbing, tapos ikaw itong nagpapakapuyat para isipin ang problema nya na hindi mo naman dapat iniisip". May punto naman siya pero gusto kong makatulong sa mga kaibigan ko eh, gusto ko hindi lang ako yung masaya, gusto lahat kami nakangiti dahil wala ng mabibigat na problema ang iniisip.

Sa mga kaibigan ko, gusto kong sabihin sa inyo na ang hirap na nararanasan natin ngayon ay hindi naman talaga dapat masyadong iniisip, ang mas dapat nating pagtuunan ng pansin ay kung paano tayo mag-eenjoy at makaka-survive sa bawat hamon ng buhay. Tandaan nyo, naandito lang ako para tumulong, para sabayan at samahan kayo sa mahabang paglalakbay sa buhay.

Kaya tayo na kaibigan, marami pa tayong dapat pag-usapan, marami pa tayong dapat iraos na laban. =)

Comments

Popular Posts