Ngiti ka lang. :)


Nabalikan ko ang mga nakaraang post ko sa blog ko na 'to, at napansin ko karamihan sa mga post ko walang kwenta (haha) pero yung iba inspirational naman pero malungkot. Marahil kung nabasa mo ito at lahat ng yon, sasabihin mo "Puro ka-emohan nanaman eh" o kaya naman "Forever alone? pakamatay ka na" Hindi naman kita masisisi, hindi mo naman ako kilala eh, at kahit sino walang nakakakilala sa akin. At wala ka naman talagang paki-alam sa akin diba? At ayos lang naman talaga sa akin yon. :)

Para naman sa nakaka-intindi sa akin, kung meron man, salamat. Sa tingin ko kayo ang dahilan kung bakit ako humihinga at patuloy na nagsusulat ng mga kung ano-anong bagay na naiisip ko. Isa kayo sa dahilan kung bakit patuloy akong nakikibaka sa larangan ng pakikipag-emohan. Pero kung tutuusin, hindi naman talaga emo ang mga post ko, natural lang sa buhay ang maging malungkot at matuto sa kalungutang nadama mo.

Kaya ngiti ka lang! At maging masaya sa mga bagay nasa paligid mo, malay mo isang araw, ang mga ka-emohan na nababasa o nakikita mo ay maging dahilan ng pagkatuto mo sa buhay. :)

Comments

  1. you know boy, i like the way you write. it reminds me of bob ong. it's been 5 years since the last time i read his books because now, i'm here in canada. i'm glad you're posting and sharing your some interesting stories in life. i really enjoying reading your posts. keep it up! go Pinoy!

    ReplyDelete
    Replies
    1. really??? that's great! thank you for reading my posts, i greatly appreciate it! :D

      Delete

Post a Comment

Popular Posts