Facebook World
HOY Ikaw!? mabubuhay ka ba ng walang Facebook!?
FACEBOOK, siguro parte na yan ng pang-araw-araw na gawin ng ibang tao, yung tipong hindi lilipas ang isang araw ng hindi nila nakikita ang ang kanilang facebook account para tingnan lang ang mga notifications, messages, at ibang mga walang kakwenta-kwentang bagay. Sangkot din dito ang mga 'di maipaliwanag na kasiyahan kapag nakita mo sa notification mo na ni-like o nag-comment ang crush mo sa status mo o isa sa mga updates mo. Pero mararamdaman din dito yung matinding na disappointment kapag ilang araw ka ng hindi nakapag-facebook tapos pagkabukas mo ng account mo eh wala ni-isang notification o message man lang. hayy...pero ganun talaga, isa yan sa mga consequence mula pa nung nag-sign up ka sa site na yon.
Para sa akin ang facebook ay parang drugs, pero hindi ko sinasabing masama ito, yung parang hindi lang mapigilan ang paggamit dito, pero syempre depende pa rin sa tao yon. Mapipigilan mo yon kung gusto mo talaga, sabi nga, kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan.
At ako? nagawa kong hindi gumamit ng facebook ng maraming araw. At masasabi kong mas na-enjoy ko ang buhay ko sa labas ng mundo ng facebook.
Comments
Post a Comment