Ako?



Ako?

Ako si Yshmael, bunso sa apat na magkakapatid, meron akong dalawang ate, at isang kuya, at syempre isang nanay at isang tatay. Sabi nila, swerte ko daw dahil bunso ako, walang masyadong problema. Binibigay lahat ng gusto, laki sa layaw kung baga. Sa totoo lang, mahirap din, lalo na sa kalagayan ko. Malaki ang agwat ng edad sa akin ng mga kapatid ko, ang panganay halos 16 years, at ang sinundan ko(ang kuya ko) ay 10 years. Bago pa lang ako nagsasalita eh di na mabibilang ang mga salitang nasabi nila, di pa man ako naglalakad eh di na mabibilang ang hakbang na nagawa nila, wala pa man akong mga ngipin eh ilang ngipin na nila ang nabungi at tumubo. Naalala ko tuwing inihahatid ako ng nanay ko sa school dati, laging tinatanong ng mga classmate ko "Lola mo ba yon?" o kaya "Yshmael, naandyan ang Lola mo sa labas.". Natatawa na lang ako, kahit ngayon tuwing naaalala ko yon.

Lumaki akong kalaro ang mga laruan ko, nag-uusap mag-isa(parang dubbing of toys haha). Pero masaya kami noon, kompleto kaming pamilya, masaya talaga, sobra, alam mo yung wala ka ng hihilingin pa dahil sa sayang nararamdaman mo kapag kasama mo silang lahat ay sapat na para bumuo ng araw mo. Pero syempre sabi nga "there's nothing constant except change", lahat nagbabago. Dumating yung araw na umalis na ang isa, nagkaroon na ng sariling pamilya. Malungkot kapag tuwing kumakain eh nakikita kong bakante na ang isa naming upuan at ilang beses kong hiniling na sana ay wala ng susunod pang mababakente. Pero talagang iba ang buhay, sumunod nanaman ang isa, nagkaroon na rin ng sariling pamilya, sinundan pa ng isa na nagtrabaho sa malayo. Malungkot sa tuwing naiisip ko ang mga araw na lumipas, hindi ko mapigilan ang sarili na hilingin na sana ay maulit muli ang mga pangyayaring yon, na kung saan ay kumpleto pa kaming nagsasalo-salo sa hapagkainan namin. Ngayon, ako na lang ang nasa bahay namin kasama ang nanay at tatay ko, kami-kami na lang ang nagpapatawa sa isa't-isa.

Di ko alam pero parang kulang ang experience ko kasama ang mga kapatid ko, ni hindi ko nga yata sila nakalaro. Pero masaya naman kami dahil hindi pala kami nabawasan, bagkos ay nadagdagan pa, at yon ay ang mga pamangkin ko. Masaya rin ako ngayon kahit parang solong anak na lang ako, kailangan ko pa rin ngumiti at magpatuloy sa walang sawang pagsubok ng buhay.

Ngayon, college na ako, masaya at konti na lang gagraduate na ako. Matutupad ko na rin ang mga pangarap ko, at ang isa mga pangarap ng mga magulang ko. Nag-aaral akong mabuti hindi lang para sa sarili ko kundi para sa kanila. Para sa isang maalalahanin at mapagmahal na nanay ko at para sa matiyaga at masipag na tatay ko. Konti na lang at kasama ko na sila sa paglalakad para abutin ang diploma ko. Hindi ko sila bibiguin at susuklian ko lahat ng paghihirap nila makapagtapos lang ako ng pag-aaral.

Tuloy lang ang buhay ko...at kasama ko si God sa bawat hakbang ko. Let's Smile! :D

Comments

Popular Posts