Ako, Bilang Isang Tunay na Kaibigan


Sa mundo ng pagkakaibigan, masasabi kong hindi na ako maliligaw. Marami na akong nakasalamuhang tao pero hindi lahat sila ay naging kaibigan ko. Sa totoo lang, mapili ako sa mga kaibigan, at sabi rin sa akin ng dati kong teacher, maganda naman daw ang pagpili ko sa mga taong sasamahan ko at gagawing kaibigan.

Masyado akong dumipende sa sinabi nyang yon, na sa tingin ko lahat ng magiging kaibigan ko ay tama para sa akin. Dati lahat talaga ng kaibigan ko pakiramdam ko ay tama. Masaya ako sa kanila. Parang ang sarap pumasok kapag sila yung nakikita mo, talagang papatawanin ka nila, kasama mo sa kalokohan, at susuportahan ka sa kahit na anong gusto mo hangga't alam nilang makakabuti yon sayo.

Pero sa mga kaibigan kong yon, kaunting kaunti lang yung masasabi kong best friends ko. Ayoko ng magbanggit ng pangalan, para kung sakaling mabasa nila ito ay maiisip nila kung sila ba yon o hindi. Masaya talagang magkaroon nyan, alam mong lagi kang may tatakbuhan, makakausap, at masasabihan ng sikreto. Nung una, talagang kampante ako. Pero mahirap din pala lalu na kung ang tinuturing mo pang best friend ang magiging katunggali mo, mahirap talaga. Sobra. Mahirap tanggapin pero sa oras na dumating yung ganyang pagkakataon eh kailangan may isakripisyo para hindi masyadong masakit.

Ako, bilang isang tunay kaibigan sa bawat taong alam kong kaibigan ko, ay marunong mag-isip ng kapakanan ng iba. Pinipilit kong ako na lang ang magparaya at magbigay kahit alam kong ako ang dapat manalo. Masakit pero ganun talaga. Para wala ng masabi ang iba at tumahimik na ang lahat. Ako at Ako na lang ang magpaparaya, bilang isang tunay na kaibigan. :D

Comments

Popular Posts